Hitman

Duisorem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Quisque sed felis. Aliquam sit amet felis. Mauris semper, velit semper laoreet dictum, quam diam dictum urna, nec placerat elit nisl in quam. Etiam augue pede, molestie eget, rhoncus at, convallis ut, ...
Hitman

Gears of war

Quisque orem ipsum dolor sit amet, consectetuer adipiscing elit. Quisque sed felis. Aliquam sit amet felis. Mauris semper, velit semper laoreet dictum, quam diam dictum urna, nec placerat elit nisl in quam. Etiam augue pede, molestie eget, rhoncus at, convallis ...
Gears of war

Pag inom ng alak habang nag dadalantao

Posted by Margie Belen

Ang alcohol ay ipinagbabawal dahil maari itong makasama sa bata. Ukol naman sa pag inom ng mga inuming may caffeine tulad ng sopdrinks at kape, maari itong inumin ngunit limitahan lamang ang pagkonsumo nito. Mas makakabuti pa ring iwasan ang pag inom ng ganito habang ikaw ay nagububntis.

Masama Ba ang Paninigarilyo habang nagbubuntis ?

Posted by Margie Belen

Ang paninigarilyo habang buntis ay nakakasama para sa sanggol sa sinapupunan. Una, maaring bumaba ang timbang ng sanggol ng abot sa 200g at maari pang magkaroon ng abnormality ang bata. WAG MANINIGARILYO habang nagbubuntis

Masama ang mag toothbrush kapag buntis

Posted by Margie Belen

Ang eksaminasyon ng ngipin ay dapat na kasama sa prenatal check-up. Ang malilinis at malulusog na mga ngipin ay mahalaga. Ang pagkasira ng ngipin ay hindi pinalalala ng pagbubuntis. Maaari pa ring magpapasta o magpabunot ng ngipin kahit nagdadalangtao.

Matigas na dumi pag nagbubuntis

Posted by Margie Belen

Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang pagkatibe o ang pagkakaroon ng matigas na dumi. Kailangan ding mag-ehersisyo. Mas madalas ding magkaroon ng almuranas ang isang babae habang nagbubuntis.

Damit na nababagay sa isang buntis

Posted by Margie Belen

Kinakailangang comportable ang damit at hindi nalilimitahan ang pag galaw ng ina. Gumamit ng bra na tama ang sukat at comportable upang makasuporta ng mabuti. Iwasan ang mga pantalon na kung saan ay mahihirapan kumilos ang buntis.

bawal bang maligo kapag buntis ?

Posted by Margie Belen

Hindi pinagbabawal ang pagligo habang buntis. Mag-ingat upang hindi madulas lalo na dahil bumibigat na ang tiyan.

Okay lang ba na Bumiyahe ang isang nagdadalantao ?

Posted by Margie Belen

Ang malulusog na mga nagdadalangtao ay maaari pa ring bumyahe basta’t mag-ingat lamang at gumamit ng seatbelts. Mag-ingat din upang hindi mahawa sa mga may sakit.

Trabaho na pwedi sa isang buntis

Posted by Margie Belen

Ang mga babae na wala namang komplikasyon ang kanilang pagbubuntis ay maaaring magtrabaho hanggang dumating ang kanilang paglelabor. Apat hanggang anim na linggo ang panahon na kailangan bago bumalik sa normal na kondisyon ang kanilang katawan. Kung nagtatrabaho pa rin habang nagbubuntis, tumataas ang insidente ng panganganak ng kulang sa buwan, maliit kaysa sa normal ang fetus, o altapresyon dahil sa pagod. Iwasan ang trabaho na magdudulot ng sobrag pagod sa katawan. Magpahinga sa pagitan ng trabaho. Ang mga nanay na nagkaroon na dati ng komplikason sa pagbubuntis ay dapat limitahan ang trabahong ginagawa.

Trabaho na pwedi sa isang buntis

Posted by Margie Belen

Ang mga babae na wala namang komplikasyon ang kanilang pagbubuntis ay maaaring magtrabaho hanggang dumating ang kanilang paglelabor. Apat hanggang anim na linggo ang panahon na kailangan bago bumalik sa normal na kondisyon ang kanilang katawan. Kung nagtatrabaho pa rin habang nagbubuntis, tumataas ang insidente ng panganganak ng kulang sa buwan, maliit kaysa sa normal ang fetus, o altapresyon dahil sa pagod. Iwasan ang trabaho na magdudulot ng sobrag pagod sa katawan. Magpahinga sa pagitan ng trabaho. Ang mga nanay na nagkaroon na dati ng komplikason sa pagbubuntis ay dapat limitahan ang trabahong ginagawa.

Ehersisyo Na Pwedi Sa Buntis

Posted by Margie Belen

Sa kabuuan, hindi kinakailangan limitahan ang pag-eehersisyo ng mga buntis basta ba hindi sila sobrang napapagod o kaya naman ay maging delikado ang kanilang sitwasyon. Gumaganda ang pagkilos ng kanilang puso at pagdaloy ng dugo. Kinakailangan na maeksamen muna ng doctor ang buntis bago magrekomenda ng programa para sa kanyang ehersisyo. Kung ligtas at wala naming siyang kondisyon na nagbabawal, ang buntis ay nirerekomenda na magkaroon ng regular na katamtaang hirap na ehersisyo na tumatagal ng 30 minuto o mahigit sa isang araw. Iwasan ang mga gawain na baka maging dahilan ng pagkatumba o pagkatama sa sinapupunan ng buntis.

Pagkatapos manganak, kalian maaaring bumalik sa pakikipagtalik?

Posted by Margie Belen

Normal man o Caesarian section ang paraan ng kapanganakan, kailangan makapahinga muna ang mga sex organs ng babae. Ang karaniwang rekomendasyon nga mga doktor ay maghintay muna ng 4-6 linggo bago makipagtalik muli.

Ang pagpapasuso ay nakakapagbigay ng natural na contraception; pinipigilan nito ang pagbubuntis ngunit hindi ito perpekto. Kapag nagsimula na ulit sa pakikipagtalik, dapat gumagamit na kaagad ng condom o anumang uri ng epektibong contraception para makaiwas sa panibagong pagbubuntis.

May mga sitwasyon ba na dapat iwasan ang sex habang buntis?

Posted by Margie Belen

Kapag may probabilidad na mapaaga ang panganganak (preterm labor), kapag dinudugo o may lumalabas na dugo o anumang likido mula sa pwerta, at kung ang kwelyo (cervix) ay napaaga ang pagbubukas (premature dilatation of the cervix), dapat iwasan muna ang pakikipagtalik. Ang mga kundisyong ito ay maaaring sabihin ng iyong OB-GYN o doktor, at maaaring maging batayan dito ang ultrasound o internal examination (IE).

Maaari bang mapaumpisahan ng pagputok ng semilya o orgasm ang panganganak?

Posted by Margie Belen

Batay sa mga pag-aaral, hindi nakakpagpaumpisa, o hindi nagdudulot sa napaagang panganganak (premature labor) ang pakikipag-sex, kahit na magkaroon pa ng orgasm. Subalit gaya ng kasagutan sa susunod na tanong, may mga sitwasyon na dapat iwasan ang sex habang buntis.

Pwede bang makipag-sex o makipagtalik habang buntis?

Posted by Margie Belen

Oo, ligtas ang pakikipagsex o pakikipagtalik habang nagbubuntis, basta nakakatiyak ka na normal ang daloy ng pagbubuntis. Hindi nakakapagpalaglag o nakakapagpa-agas ng sanggol ang pakikipagtalik, at hindi rin ito nakakasama sa sanggol na nasa loob ng bahay-bata.

Kung ang ka-talik mo ay nakikipagtalik rin sa iba, dapat siyang gumamit ng condom para hindi ka mahawa ng sexually-transmitted diseases (STD). Ang mga STD ay nakakasama sa pagbubuntis at maaari ring makasama sa sanggol.

Ano dapat gawin para maging maayos ang pagbubuntis?

Posted by Margie Belen

kumain ng mga masustansyang pagkain at wag magbuhat ng mga mabibigat na bagay at wag lumanghap ng maraming usok

Ano ang dapat gawin kapag iniwan ng nakabuntis ?

Posted by Margie Belen







Ang ina ang nagdadala ng bata sa sinapupunan niya. Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang responsibilidad sa bata ay nakapatong lamang sa mga balikat niya.


Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga lalaking nang-iiwan ng mga babaeng nabuntis nila. Hindi ba sinasabi nila na hindi kayang matiis ng magulang ang anak, ibig sabihin ba hindi ito totoo?


Siguro meron lang talagang mga lalaking hindi kayang maging magulang agad. Siguro hindi pa lang talaga sila handa magkaron ng ganoon kabigat na responsibilidad. Sana may matinong dahilan. Sana may maisasagot sila sa anak nila kapag lumaki ito at tinanong sa kanila kung bakit hindi nila ito kinayang panindigan.


Ang hirap alisan ng galit ang post na ito, ngunit I promise I will try my best.


Para sa mga babaeng iniwan ng nakabuntis sa kanila:


Mahirap sigurong paniwalaan to, pero maswerte ka pa rin. Bakit? Isipin mo na lang, "You don't need another asshole in your life."


Sad to say pero dinidiscourage ko ang mga taong nagpapakasal LANG dahil sa nabuntis ang babae. Ang pagpapakasal ay isang mabigat na desisyon. Minsan kasing bigat pa nga ito ng desisyon na pagkakaroon ng anak Lalo na para sa mga batang nabubuntis, wag kang magpapakasal dahil lang sa mahal mo siya ngayon. Dahil madalas kapag bata ka, nabubulag ka sa pagmamahal. Siguro ngayon kilig na kilig ka sa kanya... pero bukas hindi ka sigurado kung ganyan pa rin ang mararamdaman mo.


At kung kasal ka na sa kanya, wala kang magagawa kahit pa sukang-suka ka sa mukha niya.


Wag kang maniwala sa mga taong nagdidikta sa iyo na dapat mong pakasalan ang nakabuntis sa iyo. Hindi ito totoo. Ang totoo, ang dapat mong pakasalan ay yung taong kaya mong makasama habang buhay. Hindi tulad sa ibang bansa na ang pagpapakasal ay isang sugal na kapag natalo ka'y maari kang bumawi at tumaya muli, sa Pilipinas ito ay isang sugal na walang bawian. Ipupusta mo ba ang buhay mo at ng anak mo dahil lang sa magaling siyang kumanta, malambing siya o maganda ang mata niya?


Hindi ka niya gustong panagutan? Wag kang maghabol. Bakit? Para saan? Hindi ba't lagi nating sinasabi na "wag pilitin ang ayaw"? Gawin mo yun dito. HINDI MO ITO KAWALAN. Bitter ba? Hindi, totoo lang talaga ito.


Bakit hindi mo kawalan? Meron kang isang kakampi na hinding hindi mawawala sa iyo-- iyang anak mo. Palakihin mo siyang mabuti at turuan mo siyang wag magalit sa tatay niya dahil kung di dahil sa tatay niya, wala kang isang magandang regalo na hindi mo alam, sa hinaharap pala'y siyang makakatuklas sa gamot sa AIDS o makakaimbento ng time machine.


May mga babae na pakiramdam nila kapag iniwan sila ng tatay ng anak nila ay hindi nila kaya. Masyadong mahirap magpalaki ng anak at lalo pa itong mas hihirap kung mag-isa ka. Pero hindi ba mas mahirap magpalaki ng isang bata at isang nag-iisip bata? Hindi ba mas mahirap na habang nagpapalaki ka ng anak mo, meron kang asawang sinisisi ka sa pagkasira ng buhay niya na para bang binuntis mo ang sarili mo?


Para sa mga lalaking nakabuntis at nang-iwan ng mga anak nila:


P*tang ina niyo.